Welcome 2018!!!

Taong 2018, isang makahulugang taon para sa mga learners ng ALS na kasalukuyang nagrereview. Ito ay isang timeline na magpapabago sa kanilang kinabukasan. At sa mga naghihintay ng resulta ng kanilang A&E Test noong nakaraang Nobyembre, excited na ba kayong lumabas ang A&E result? Huwag mainip at malapit na! At habang naghihintay, patuloy na hasain ang inyong mga skills. Iplano na rin ang mga susunod na hakbang na gagawin ninyo. Pagkatapos ng ALS test ano ang susunod? Kapag makapasa anong kurso ang inyong kukunin? Alalahanin na ang ALS ay isang "TURNING POINT" lamang. Depende pa rin sa inyo kung paano ninyo gagamitin ang oportunidad na ito upang mabago ang inyong kinabukasan.

Sa taong ito, 2018, asahang mas madami tayong puwedeng gawin sa ating website. May extension program na rin tayo, ang ALS-COED, kung saan hinihikayat namin kayong mag-signup para makinabang sa mga programa nito. Gusto nating makatulong at makagawa ng mga makabuluhang aktibidad para sa ating mga ALS learners and passers, kasama na rin ang ating mga masisipag na IM at teachers ng ALS. Siyempre, gusto naming isama ang mga iba pang magkakainterest sa ating mga programa, mga ALS learners man o hindi. Kaya pagkatapos magreview dito sa ALS Reviewer Philippines, bisitahin din ang ating partner site, ang www.als-coed.com. Dito, inaasahan nating magkaroon ng learners community na maaaring makatulong sa ating mga programa, hindi lang sa aspekto ng pagrereview kundi pati na rin sa mga iba pang proyektong makakatulong sa mga kasapi. At dahil sa inyong pagtitiwala, ang ALS Reviewer Philippines ay maglalaan ng "seed capital" para sa ALS-COED upang tumulong sa kanilang programa. Kaya huwag kalimutang magregister sa ALS-COED. Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala sa ating mga online projects.

Edgar Manongdo
Admin

Posted: January 3, 2018

ALS A&E Tests, Mga Dapat Malaman

Ang Accreditation and Equivalency Tests (A&E Tests) ay mga pagsusulit na isinasagawa na naglalayung sukatin ang kaalaman at kakayahan sa buhay ng mga kabataan o may edad nang mamamayang Pilipino na hindi nakatapos ng elementarya o sekondarya.

ipagpatuloy ang pagbasa, i-click ang link...

Paano nga ba Makahanap ng Oportunidad para Magtagumpay?

Posted: February 18, 2016

Isang hangarin para sa lahat ang maging matagumpay. Maraming pangalan ang nakikilala na silay matagumpay sa kanilang mga ginagawa. Pero para sa karamihan, parang napakailap ang oportunidad.

Halimbawa, sa larangan ng negosyo. Napapansin mo ba na kapag may isang matagumpay na negosyo, mamaya maraming komokopya dito? Kung dati ay walang barbecue-han sa plaza at may nakapag-isip magtinda ng barbecue, sa susunod na araw baka may magsusulputan ding barbecue-han dahil ang sa akala nila maganda itong opurtunidad at naging mabenta ang mga naunang gumawa nito.

Sa puntong ito, ating tingnan kung ano ang pangmalas ng isang matagumpay na negosyante tungkol sa kung paano mahahanap ang isang opurtunidad upang magtagumpay.

i-click upang ipagpatuloy ang pagbasa...

ALS, Mas Lalo Pang Palalawigin at Pagagandahin ng DepEd

Posted: October 28, 2016

Hangad ng Department of Education na palawigin at pagandahin pa ang programang Alternative Learning System o ALS upang ito’y kilalanin sa larangan ng edukasyon sa ibang bansa. Ito ang isa sa mga prayoridad ng Department of Education sa kasalukuyang pamunuan ni DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones. Ayon kay Secretary Briones, hindi dapat maiwan ang mga ALS learners sa planong modernisasyon ng edukasyon sa Pilipinas. Tinatayang umaabot sa apat na milyong kabataan ang hindi nag-aaral ngayon sa formal education system kasama na ang karagdagan pang ALS target learners na kasalukuyang nagtratrabaho sa ibat-ibang larangan na hindi pa nakakapagtapos ng basic education o yung edukasyon sa elementarya at sekundarya. Ayon kay Secretary Briones ang hamon sa ating mga mag-aaral ng ALS ay ang pagkilala sa kanilang natapos na edukasyon mula sa ALS ng mga ibang bansa katulad ng pagkilala sa formal na edukasyon. Kailangan ’aniya na magkaroon ng pag-aayon o equivalency para sa ALS sa larangang pang-international upang ang mga ALS graduates ay kilalanin din sa ibang bansa.

Iniharap kamakailan ni Secretary Briones ang anim na punto para sa modernisasyon ng edukasyon sa bansa sa ginanap na na 6th APEC Education Ministerial Meeting sa Lima, Peru. Ang mga anim na puntong ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
1) Pagkakaroon ng sapat na impormasyon para makagawa ang mga mambabatas ng mga batas para sa pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa.
2) Pakikipagtulungan ng mga ibat-ibang pribadong sector sa gobyerno upang maragdagan ang pundo para sa mga programang pang-edukasyon
3) Pagpapatupad ng mga management at financial reforms sa pamamagitan ng pagpaplano, real-time management information system, at monitoring and evaluation
4) Pagpapaunlad sa larangan ng research upang matugunan ang mga pangangailangang pang-edukasyon sa 21st century
5) Pagpapalawig at pagpapasulong ng programang Alternative Learning System o ALS upang ito’y kilalanin sa larangan ng edukasyon sa ibang bansa at pagkakaroon ng equivalency programs patungkol sa ALS.
6) Pagpapatupad ng mga experimentasyon na siyang magbubukas ng mga bagong sistema ng pagtuturo.

Iginiit pa ni Briones na ang K-12 ay hindi lang patungkol sa pagdaragdag ng taon sa formal na sistema ng ating edukasyon sa bansa kundi ang pagkakaroon ng edukasyong makapapantay sa sistema ng edukasyon ng mga ibat-ibang bansa sa mundo kung kayat dapat itong matuon sa pagpapaunlad at pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon.

WRITER: Edgar Manongdo
SOURCE: DepEd