Roziel Tina Habdusan:
Topnotcher ng ALS A&E Test 2014

Naaalala ko pa noong huling linggo bago ng exam. Pagkatapos ng lahat ng gawain ko sa gabi, habang mahimbing na ang tulog ng mga mag-aama ko, ako naman ay abala sa kaka-review hanggang inantok na ako. Kinagabihan bago ng A&E test, gumising ako ng alas 3 ng madaling araw para mag-review.

Bago mag-exam sa loob ng room, may nabasa akong Bible verse na ang sabi..."delight yourself to the Lord and He will give the desire of your heart". Bago magsimula ang exam, nag-pray talaga ako. Sabi ko, "Lord alam ko pong nakikita nyo kung ano ang laman ng puso ko. Alam ko po na alam nyo na gustong-gusto kong makapasa sa exam na ito. Sana po, ngayon nyo na sagutin ang matagal ko nang panalangin...ang makabalik sa pag aaral".

Gabi-gabi bago matulog, ipinagdarasal ko munang makapasa ako sa A&E test, minsan pa nga, biniro ko si God, sabi ko "Lord matagal ko na pong prayer ito sa iyo, baka puwedeng makahingi ng bonus... sana maka-top ako sa exam, pero kung hindi puwede, ok lang basta pasado.

bumalik...        ituloy ang pagbasa...i-click ang link...