Roziel Tina Habdusan:
Topnotcher ng ALS A&E Test 2014

At isang araw, nagtext si sir Choi na pupunta daw sya sa bahay namin, may good news daw. Si sir talaga, sa sobrang pagmamahal sa akin, hindi pa nga nasasabi ang balita nang makita ako, nag-iiiyak na siya. Sabi niya sa akin, nag- top daw ako sa buong Sorsogon division sa A&E test. Grabe ang luha naming dalawa sa pagkakataong iyon!

Pagkatapos ng isang buwan, tumawag si sir Choi! Nagsisisigaw na naman siya! "Ate, ate, ay...ay...top ka pala all over the Philippines!!!" ang sabi niya. That made my tears fell down! Humagulhol talaga ako. I didn't imagine that this would happen. Sa totoo lang, sabi ko kay Lord, salamat kasi kahit medyo dinaan ko sa biro yung wish ko na mag-top sa A&E test, aakalain ko bang tototohanin Niya iyon!

bumalik...        ituloy ang pagbasa...i-click ang link...