Common Questions In ALS

Posted: October 16, 2018

Hi ALSIANS....great morning everyone!!! Concerns on this year's ALS-A&E test like the following are answered below:

Saan ako puwedeng makapag-enrol para makapag-aral ng ALS?
Answer: Kung baguhan ka sa ALS at hindi ka pa nakapag-enrol, puwede kang pumunta at magtanong sa mga sumusunod:

1) Barangay hall- Itanong sa kapitan o sa kagawad na in-charge ng education kung may alam sila tungkol sa ALS.
2) Pinakamalapit na public school sa inyong lugar (elementarya o high school) - Ipagtanong sa principal kung may alam sila tungkol sa ALS.
3) DepEd District office - Hanapin ang District Supervisor o District ALS Coordinator at magtanong sa kanila tungkol sa ALS program.
4) DepEd Division Office - Hanapin ang Division Supervisor in-charge of ALS.

Anu-ano ang mga kailangan sa pagpapa-enrol ng ALS?
Answer: Ihanda ang mga sumusunod:

1) Birth certificate
2) 1 x 1 photo ID
3) Kung may Form 137 o report card sa elementarya puwedeng dalhin. Kung wala hindi na kailangan pa.

Kailan ang test ng ALS-A&E?
Answer: Originally scheduled this October, but until now wala pang developments. There are rumors that it will be November or first quarter of 2019. As per experience, last year (2017) it was November... and April ...Most likely it will be the same this year!!!

Magkakasabay ba ang Test sa buong bansa?
Answer: Hindi. Usually ay dalawang schedules, magkasunod na linggo.

May JS Prom ba ang ALS?
Answer: Wala kasi hindi naman kayo formal school na may Junior students at Senior students. Ang JS Prom ay acquaintance party ng mga mas bata at mas matatandang estudyante sa high school, kaya no way ang JS Prom sa ALS. PERO, puwede kayong magkaroon ng ALS Ball, ALS Night, ALS Party, depende sa inyong grupo at sa suporta ng inyong mga IMs at DepEd officials. Syempre pa, kung aktibo ang grupo nyo at lahat ay gusto, puwede kayong magrequest basta kaya nyo ang gastos o may sponsor kayong mga business, individuals o politiko (he he he, maraming politiko ngayong magpapapansin!)

May matatanggap ba akong high school diploma sa ALS?
Answer: Dati meron, kasi 4 years lang dati ang high school. Ngayon, wala nang high school diploma dahil may senior high school na, gawa ng K-12 ng DepEd. Kailangang tapusin ang Grade 11 at grade 12.

Makakakuha pa ba ako ng Diploma o certificate ko sa ALS kung mawala ko ito?
Answer: Puwede, pero matagal na proseso. Marami kang dapat ipakitang katunayan na nagtapos ka ng ALS, kaya dapat ingatan ang iyong Diploma at school records, o kahit anumang mahalagang dokumento. Kung talagang nawala, magpa-police blotter agad, kumuha ng affidavit of loss at magrequest ng bagong kopya sa DepEd. Kumunsulta sa iyong ALS teacher o sa District ALS Coordinator.

Kapag bumagsak, makakapag-test pa bang muli ng ALS A&E?
Answer: Oo naman, kahit ilang ulit! Magparehistro ka ulit sa teacher mo para maidagdag ka sa listahan niya.

Puwede bang mag-walk-in na lang sa test ng ALS?
Answer: Dati puwede, ngayon may mga dapat kang kompletuhing tasks o portfolio para maidagdag ka sa mga listahan ng kukuha ng exam.

Maliban sa ALS, mayron pa bang ibang paraan para ma-accelerate ako ng grade level?
Answer: Meron, ito ang Philippine, Educational Placement Test (PEPT). Ipagtanong ito sa DepEd.

May tanong ka pa ba? I-comment ito sa comment box sa baba para mapag-usapan natin. Salamat po!